Makatulog na nga lang. Nadidismaya talaga ako sa resulta ng botohan. Ang daming may gusto ng pagbabago pero sila mismo hindi gumagawa ng matino at mabuting desisyon para makamtan nila yung gusto nila. Binoto pdin nila yung mga taong wala namang kaalaman at karanasan sa pulitika. Mga hindi deserving. Nakakalungkot na kung sino pa yung mga karapat-dapat, sila pa yung napagkaitan.
Kanino ba dapat magsimula ang pagbabago, hindi ba sa atin naman? Bakit wala paring natututo? Kailan tayo aasenso kung ganito?
Pinalaki kami ng magulang namin na “praktikal” sa buhay, na lahat hiram lang sa Diyos, na lumilipas ang panahon, at natatapos ang ibang bagay. Pero bakit parang hindi ako naging katulad nila? Sobrang attached ako, hindi sa bagay pero sa mga tao, which is super hirap kase nothing lasts di ba. There is nothing permanent in this world, only CHANGE.
Makakarating din ako dun sa point na gusto ko marating. At pag nagawa ko na ng umabot dun, di na ko lilingon para tignan ka ulit.